Thursday, April 19, 2018

Image result for pagkilatan beach resort

Sa mga nag babalak po mag Batangas this might help πŸ€—
πŸ“Pagkilatan, Batangas
Para po sa mga nagtatanong kung saan kami nag stay at kung budget friendly/affordable yung pinag stay'an namin. Syempre, yes na yes! πŸ˜¬☺️and yup it's possible na makapag travel ng hindi ka gagastos ng sobra sobra (para sa budgetarian na tulad ko) More than 20 hotels & resorts ang napag inquire'an ko along batangas & zambales. Yung malapit lang preferred namin para hindi mainip sa byahe yung junakis ko. And... We end up here tadah, Isola Vista Beach Resort. Sobrang perfect ng lugar πŸ’™πŸ˜sulit na sulit!
Total Expense
3,500 for 5 adults plus 1kid (2yrs old below FREE)
πŸ’špapatak na lang ang sharing 700 each lang kung group kayo.
3-4 hours drive along metro
3 Infinity pools
Beach
Snorkeling all you want😍
Perfect View
 Instagramable (tsek na tsek!) πŸ˜‰
 Accommodating staff (nakaka-goodvibes ngiti ni ateng staff hindi ko nakuha yung pangalan haha)
Nagpapahiram po sila ng life vest para mas maenjoy nyo yung snorkeling activity.
May other activities din sila. *see photos
 wala po silang restaurant/kainan sa loob ng resort pero nag ooffer sila ng menu na inoorder nila sa labas (pinaputok na tilapia, inihaw na bangus, silogsilog etc) I suggest magbaon nalang kayo ng food or mamalengke bago pumunta sa resort. Libre naman po ang pahiram ng ihawan nila. Ihaw all you want. Hanggang mabusog ang malaki mong tyan bes, mga ganon πŸ˜‚
*On our case nagdala lang ako ng rice cooker (oha! Naka unli rice kana nakatipid kapa) plus nag take out lang kami sa carendiria malapit sa resort πŸ˜‹20pesos lang per order sinaing na tulingan binili namin huhu sobrang sarap bes! Tipid kaya mas malalasap mo yung sarap. hahaha πŸ˜… Less time sa pagluto, more time para maenjoy mo yung area! πŸ˜Š
Sadly, Wala po silang parking sa loob ng resort, pero they still have parking area sa labas nga lang ng resort open space. Safe naman daw sabi ng mga staff.
Sa lahat ng napag-inquiran ko ito yung pinaka mura for 5pax plus perfect yung area! Sa snorkeling palang jackpot na di mo na kailangan mag hire ng bangka makakakwentuhan mo na agad agad si Nemo. Namamahalan ako sa rate ng ibang resort yung iba kasi iba pa yung bayad sa accommodation sa entrance fee etc. Tapos yung iba beach lang. Wala pang infinity pool "yun lang talaga habol ko eh" hahaha
Gusto mo din bang magtravel ng less gastos? Yup, it's possible para-paraan lang besh. πŸ˜¬πŸ˜‚πŸ˜‚

No comments:

Post a Comment